Isang salita na nangangailangan ng mahabang ekplenasyon.
BAKIT? bakit kaya?
Hindi patas pero makapangyarihan.
Madaling sabihin pero mahirap sagutin.
Ang daming BAKIT pero ang konti ng rason.
Sinasambit para mukuha and tunay na motibo.
Tinatanong ng mga taong wala ng maisip na tanong.
"BAKIT?" ang dali kasing banggitin.
Diba?
Bakit kaya?
Ako'y may nabasa.
Isang bata, nag tanong.
Bakit ka mag isa?
(Huhugutan ko ng malalim at isusulat dito. ^^)
Bakit ka mag isa?
And daming pwedeng isagot.
Pero una sa listahan ko,
"Anong pakeelam mo!" ang isasagot ko.
Hindi lahat ng mag isa, malungkot.
at hindi lahat ng may kasama, masaya.
Hindi mo ba naisip yon?
Malamang, hindi. Kasi nag tanong ka kung BAKIT.
Bigyan kita ng malupit na sagot.
Wag ka mag alala.
Yang BAKIT mo, tatapatan ko ng mahabang eksplenasyon.
1. Masyado siyang maganda or kaakit- akit at walang makapantay sa kanya. - wag ka na umasa pa or hindi kaya pag pursigihan mo siya.
2. Nag mahal siya ng sobra at nasaktan. Takot umibig. Takot mag tiwala uli. - may mga ganyang uri ng tao. Pero kung gusto mo, ipakita mo, na iba ka sa nanakit sa kanya. Ang simple sabihin pero medyo mahirap gawin.
3. Gusto niya mapag- isa. Ayaw ng commitment. - Sus. Malabo to. Walang tao ang ayaw ng commitment. Kaya i-push mo lang kung gusto mo talaga.
4. Mahigpit ang magulang. - antayin mo kasi na nasa wastong edad siya.
5. Naka focus sa trabaho. - Positibo yan, hindi dapat ayawan. Antayin mo na maging handa siya.
6. Pangit siya? Oo. baka pangit siya. - Pero kung mabait naman, edi i-try mo. Pero pangit. Ikaw bahala!
7. Walang nanliligaw. - Ganun talaga. Baka hindi siya lumalabas. Mag ayos din kasi o baka pangit din?
8. Hinihintay si Mr. or Ms. RIGHT - hindi kasi yan hinihintay, kusa yan darating. Pero kung masipag ka, pwede mo siya hanapin. Pero wag mo antayin kasi maiinip ka
9. Nag aantay bumalik ang dating pag ibig - Nakakatawa. Pero may mga ganyang uri din ng tao. Iniisip nila na mas kilala sila nung tao sa nakaraan (malamang!) at sinasara yung pinto sa bagong darating. Hindi magandang pag- iisip. Pero may ibang nakakaisip. Nakakalungkot
10. Nagsara na ng pinto pati bintana. - Pag gusto may paraan. Kaya nga hindi nawawalan ng mag nanakaw kasi nakakahanap sila ng paraan para makapasok. Sa kanya pa kaya?
Sampung eksplenasyon kung bakit may taong pinili at pinipili paring mag- isa.
Sinamahan ko pa ng suwestyon, para maganda.
Ikaw? Mag- isa ka ba?
Ako, hindi. Kasi meron akong pamilya at mga kaibigan.
Masaya ako. Pero mas sasaya ako kapag dumating na siya.
Bakit ba?
:)
-iamakap
Comments
Post a Comment