Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2017

Tama ka, tama na

"Tama ka, tama na." Ikaw lang ang tanging makakapagsabi ng, Tama na. Tama ako. Ikaw lang. Alam mo kung bakit? Ikaw ang napapagod, nahihirapan at nag mumukhang tanga. Hindi kailangan idikta sa iyo ng ibang tao na, Huy! Tama na. Mali ka! Mali ka. Hindi mo makita ang iyong halaga. Bat ka nag titiis? Mahal mo? Tama ako no? Oo. Mahal mo. Sapat na ba yun? Siguro. Panigurado. Tama ka, tama na. Mali ako. Kasi ayun ang iyong tunay na nadarama. Masaya ka ba? Oo. Mukha nga. Pero di tanaw sa iyong mata. Tama ba ako? Oh sige tama na. Tama ka. Tinamaan ka kasi sa kanya.